“You closed your eyes. That was the difference. Sometimes you cannot believe what you see, you have to believe what you feel. And if you are ever going to have other people trust you, you must feel that you can trust them too-even when you are in the dark. Even when you’re falling.”

ang pag kakataon nga naman diba… itong quote na ito ang nakapukaw sa akin. habang nanonood kame ng pelikula kahapon…

kasi ito ang hindi ko ginagawa… ang magtiwala ng lubos sa mga tao sa paligid ko. hindi ako marunong mag tiwala ng basta basta, i always pull a limit to my self in the sense of sharing or may self. i mean hindi ko basta basta ibinabahaig ang aking bukas lalo na ung mga sekreto ko… kung ano ung nakikita nila pag kasama nila ako yun lang ung alam nila tungkol sa akin.

sa katunayan sinabi rin sa akin ito ng isang kaibigan pag katapos ng isang pangyayari nitong nakaraang sabado. kaibigan mo kame, mag sabi ka sa amin ng problema mo, wala namang ibang mag tutuungan kundi tayo rin… hindi mo kailangan sarilinin ang problema hindi ka nag-iisa.

kaya lang hindi ko alam kung paano ako mag sisimula na bukasan ang aking buhay sa kanila sa mga taong nakapaligid sa akin.. natatakot ako. natatakot ako na baka hindi nila maintindihan ang aking mga pinagdadaanan. natatakot ako na baka pag nalaglag ako ay walang sasalo sa akin sa ibaba.

so nang napanood ko itong movie na ito, it strike me, hindi mo kailangan matakot, ang kailangan mo ay mag tiwala.

sana matagpuan ko ang sarili kong nag titiwala ng buo at walang pag-aalinlangan.

Advertisements