nakakatuwa talaga ang mga pinoy, kahit may trahedya na nakukuha pa ring maging masaya,

ako ay tumungo sa Sto Domingo nitong nakaraang linggo para tumlong sa mga nagsilikan dahil nasalanta ng malakas na pag-ulan,

nag tungo ako noong nakaraang Miyerkules,  wala talaga sa plano ko ang pumunta doon, dahil ang aking plano talaga ay mag punta sa aking opisina, ngunit subalit datapwat hindi ako nakarating sa aking opisina sa kadahilanang baha pa din dito,

kaya aking napag disisyunan na bumisita sa kumbeto ng sto domingo, naulat ako sa dami ng tao na lumikas na kasalukuyang pumipirmi sa kumbento dahil sa malakas at patuloy na pag ulan,

ito ang aking unang pagbaluntaryo sa ganitong kalamidad, hindi ko malis sa aking sarili na mawa sa sinapit ng kanilang mga tirahan, sapagkat ito ang nalubog ng husto sa baha,

sa aking pag boboluntaryo, madaming bago, bagong kakilala, bagong karanasan, bagong pagsubok,

bagong kakilala, kasi sa mga dami ng mga nag boluntaryo ang dami mong naging bagong kakilala,

bagong karanasan, ngayong ko lang kasi nagawang mag pakain ng ganon kadaming tao humigit kumulang na 3000 katao, nag luto ako ng napakadaming sardinas, namigay at nagbahagi ng mga pagakain, magbuhat ng kahon-kahong nga bote ng tubig, at kung ano ano pa,

bagong pagsubok, dahil hindi mo alam kung paano mo gagawin na ipamigay at paghatihatiin ang mga pagkain sa dami ng mga tao,

masaya ako sa karanasan na ito, dahil ito ay bago, dahil madami pa rin talagang pilipino ang may mga busilak na puso, dahil sa dami ng mga nag bahagi ng mga mayroon sila, mag gamit,, pagkain, inumin at oras para paglingkuran ang mga nasalanta ng malakas na ulan at pagbaha,

at sana rin itong mga kaganapang ito ay maging aral sa atin, na maging malinis at masinop, at huwag basta basta magtapon ng basura kung saan saan, at ating pangalagaan ang ating inang bayan at ang mahal nating daigdig

 

Advertisements